ANG CHURCH NA NAGTATAGUMPAY AT ANG CORONA VIRUS:
MGA BIBLICAL AT PRACTICAL NA GABAY PARA SA MGA CHURCH NA KABILANG SA PCEC
PAANO HARAPIN ANG COVID-19 SITUATION
Simula nung nagkaroon ng outbreak ng corona virus nung January ngayong taon ibat-ibang grupo na ang naglabas ng pahayag. Ibig sabihin malawak ang epektong dala ng nakakahawang sakit na ito. Ngayon sa Pilipinas, naapektuhan na ang maraming aspeto ng buhay ng mga tao—ang kanilang pakikisali sa lipunan, desisyon pang-ekonomiya, edukasyon, at ang kanilang emosyonal na kalagayan–dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.
Hindi maitatanggi na ang pagkalat ng virus na ito ay nagdudulot ng mapanghamon na mga tanong na may kinalaman sa buhay-relihiyon ng mga Filipino. Dapat ba nating i-cancel ang mga gathering na ginagawa para sa pagsamba sa Diyos? Dapat bang i-postpone ang mga events na ang purpose ay i-reach out ang mga unbelievers? Ang mga tanong na ito ay panlabas lang, dahil bukod sa mga ito ay may mas malalim pang mga tanong gaya ng: Nasisira ba ang ating testimony bilang Christian kung ipo-postpone ang mga gathering? Pwede bang kwestyunin ang integridad ng Christian gatherings kung ika-cancel ang mga ito? Pag kinancel ang worship service, sinasabi bang mahina ang faith ng pastor? Masasabi bang mababa ang commitment ng mga Christians na hindi aattend sa mga gathering?
Narito ang ilang mga biblical principles na kelangan nating malaman bago sagutin ang mga nasabing tanong.
Una, dapat natin i-consider ang pang-unawa ng mga Hebreo pagdating sa buong katauhan ng isang tao. Kung babasahing mabuti ang Old Testament, lalo na ang Holiness Code sa Leviticus 17–26, mapapansin dito na may concern ang Diyos sa pagiging malusog ng tao sa kanyang kabuuan. Makikita sa mga kautusan na ang mga aspetong pisikal, sosyal, pang-ekonomiya, at relihiyon ay magkakaugnay. Yung mga kautusan na may kinalaman sa kalinisan ng katawan ay bahagi din ng spiritual na pamumuhay. Ang mga utos na may kaugnayan sa pakikitungo sa kapwa ay nanggaling din sa spiritual. Example, pinagbabawal na hawakan ang bangkay (Num 19:11), ito ay utos pang-relihiyon pero meron din itong epekto sa kalinisan sa katawan. In short, yung mga utos sa pagiging malinis ay bahagi din ng relihiyon. Yung mga maysakit sa balat ay kelangan tumira sa labas ng komunidad (Lev 13:26) hindi dahil marumi ang espiritu nila, kundi, ayaw ng Diyos na mahawa nila ang mga kababayan nilang Israelites. Kung merong sakit sa balat ang isa sa kanila, sinisira nito ang shalom o kaayusan sa komunidad, kaya nilalagyan ng limit ang kanilang pakikibahagi sa lipunan.
Pangalawa, kelangan i-consider ng mga Christians ang mas malawak na lipunan sa kanilang mga desisyon. Ito ang paalala ni Paul sa mga Christians sa Corinthians, “Pwede kong gawin ang kahit ano, pero hindi lahat nakakabuti.” (1 Cor 6:12). May bagay na hindi nakakasira sa sarili pero delikado naman para sa iba. Kung ipipilit natin ang pansariling kagustuhan, hindi natin naipapakita ang totoong pagmamahal (Rom 14:15). Dapat nating siguraduhin na ang mga desisyon at ginagawa natin ay makakabuti sa ating lipunan. Dapat nating iwasang gumawa ng mga bagay na magpapahamak at sisira sa maayos na pamumuhay ng iba, kahit pa sa tingin natin ito ay mabuti o hindi nakakasira sa ating sarili.
Pangatlo, dapat magkasama ang karunungan at kagustuhang gawin ang isang bagay (Prov 19:2). Kahit gustong-gusto nating gawin ang isang bagay pero kulang tayo sa kaalaman, hindi yun pagiging marunong. In short, ang pamumuhay ayon sa pananampalataya ay dapat samahan ng kaalamang praktikal. Kung magde-desisyon base sa pananampalataya lang, sa kabila ng maraming impormasyon para maging gabay natin, para tayong nagtatayo ng palasyo sa buhangin habang nakikita ang malalaking alon na parating. Dapat nating tingnan ang mga data o facts bilang sign ng Diyos para maging gabay natin sa pagde-desisyon base sa pananampalataya. Hindi magkalaban ang faith at facts, magkatuwang sila.
Pang-apat, piliin nating mabuti kung ano ang dapat labanan. Ang pananampalataya sa Diyos minsan ay hindi sapat para magtagumpay. Hindi magic word ang pananampalataya na pwede agad magpagaling ng sakit o kaya hindi ka matatalo. Sa Exodus 13:17–18, mababasa natin na inutusan ng Diyos ang mga Israelites na mag-iba ng daan papunta sa Promised Land, imbis na dumaan sa lugar ng mga Philistines, kahit pa yun ang madaling daan. Alam ng Diyos na lalabanan ng mga Israelites ang mga Philistines, at kahit pa sya ang guide nila, hindi yun ang laban na gusto ng Diyos para sa kanila. Hindi lahat ng kalaban ay dapat harapin. May mga laban na mas mabuting iwasan. May mga panahon na retreat ang maka-Diyos na daan na dapat piliin.
Sa huli, dapat i-maintain ang balanseng ugnayan ng kapangyarihan ng Diyos at responsibilidad ng mga tao. Hindi dahilan ang paniniwala natin sa kapangyarihan ng Diyos na sagutin ang mga prayers natin para tayo magpabaya. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na mag-desisyon, at hindi nya tayo pinipigilan kung magkamali tayo. Base sa ating experience, aanihin natin ang bunga ng mga ginawa natin. Hindi binabalik ng Diyos ang oras para ayusin ang mga nasira dahil sa ating pagpapabaya. Kaya dapat maging marunong tayo sa pagde-desisyon. Dapat nating tandaan na Diyos lang ang magpapasya kung kikilos sya o hindi para tulungan tayo. Hindi nawawala ang pagiging Diyos nya, anuman ang desisyon nya.
Ang mga biblical principles na ito ang tutulong sa ating mga Christians para maging marunong. So, paano tayo magiging tapat sa ating pananampalataya habang inaalagaan ang ating mga katawan, para matulungan ang ating mga komunidad, at bansa sa panahon ng paghihirap?
Una, gawin natin ang lahat para alagaan ang ating katawan at ingatan ang kalusugan ng ating kapwa. Magagawa natin ito kung susunod tayo sa guidelines mula sa World Health Organization, tungkol sa regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, mag-disinfect ng mga kamay gamit ang alcohol, iwasan ang paghawak sa mukha, at umiwas sa mga physical contact sa iba (kasama dyan yung formal na handshakes o mga beso-beso).
Pangalawa, ayon sa recommendation ng government at WHO, iwasan muna natin ang malakihang gatherings at pagpunta sa matataong lugar. Ibig sabihin, cancelled muna ang ating mga worship services, camps at retreats, regular fellowships, and outreach ministries. Nire-recommend namin sa PCEC, na hayaan ang ating mga Church leaders na mag-desisyon na ikancel ang Sunday worship services sa loob ng isang buwan.
Hindi ibig sabihin nito na mahina ang pananampalataya natin o commitment sa gawain. Ito ay pagiging marunong sa tulong ng makatotohanang impormasyon. Tandaan natin na malawak ang peligrong dala ng nakakahawang sakit hindi lang sa isang tao kundi sa ating mga komunidad. May iba namang paraan para magkaroon ng mga meeting, counseling, fellowship, at pagpapalakasan ng espiritu kahit hindi pisikal na magkasama—dapat i-consider natin kung paano pansamantalang magagamit ang mga paraan na ito.
Pangatlo, dapat maging parte ang Church sa solusyon, kesa makadagdag sa problema. Sa kabila ng kakulangan sa human, infrastructural, at financial resources ng ating gobyerno, sinisikap pa rin nitong pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Dapat makibahagi ang church sa mabuting layunin na ito. Kung iiwasan ang pagsasagawa ng mga gathering, makakatulong tayo sa pagkalat ng virus. Imbis na ipilit natin kung anong magagawa ng Diyos para sa atin, unahin natin isipin kung paano tayo magagamit ng Diyos para tumulong sa bansa at sa ating kapwa.
Sa panahon na ito ng paghihirap, alalahanin natin ang salita ng Diyos na sinabi ni Apostle Paul:
6Wag kayong mag-alala tungkol sa kahit ano. Instead, ipag-pray nyo ang lahat ng kailangan nyo, at magpasalamat kayo every time na humihingi kayo sa Diyos. 7At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maabot ng isip ng tao, yan ang mag-iingat sa mga iniisip at nararamdaman nyo kasi nakipag-isa kayo kay Christ Jesus.
Philippians 4:6–7
PARA SA PHILIPPINE COUNCIL OF EVANGELICAL CHURCHES:
Bishop Noel A. Pantoja
National Director
Philippine Council of Evangelical Churches –
Philippine Relief and Development Services, Inc.